My pistola's point

February 12, 2011

Spend your hearts day with the masses

Filed under: Uncategorized — EmPnuñez @ 5:53 am

Sa valentines… tumungo ka sa masa at mag celebrate ng Araw ng mga puso kasama sila.

November 24, 2010

Naggers Rule!

Filed under: Culture,Women — EmPnuñez @ 2:13 pm
Tags: , , ,

Naalala ko noong nasa elementary pa ako, madalas na nasusulat sa black board ang pangalan ko dahil” Noisy” daw ako. Madalas pa nga nasusulatan ng 100xx(one hundred times) yung tabi ng pangalan ko dahil kahit nasulat na yung panagalan ko sa pisara, patuloy parin ako sa pagsasalita at pagdaldal sa katabi ko. Hindi dahil sa likas akong madaldal (bagamat daldal ang tawag sakin ng pinsan ko dati) kundi dahil ang nasa isip ko lang noon, wala namang masama sa ginagawa ko. Hindi naman ako sumisigaw at hindi rin ako nanakit ng tao. Gusto ko lang mapansin ng katabi ko dahil kelangan ko ng ka-ututang dila – bakit ba kasi laging pinipigilan tayo ng mga teacher natin na makipag-kwentuhan? E kapag kinagagalitan naman kami ni teacher, marami din naman siyang sinasabi. Madaldal din siya. Parang yung nanay ng kalaro ko sa piko, kapag tinatawag na niya si Amy (pangalan ng kalaro ko) andami-dami niyang sinasabi. Pagtapos dumaldal, sabay palo ng hanger sa puwet ng kawawa kong kalaro. Tapos tatawagin din niya ang asawang naka-upo sa tagayan ng mga sunog-baga sa tindahan ni manang Alcantara at magdadaldal ng kung ano-ano.  Naisip ko, bakit nga ba madaldal ang mga babae?

May nabasa ako sa librong Corelli’s Mandolin, isang nobela ni Louis De Bernieres. May ipinahayag ang isang karakter tungkol sa pagiging madaldal ng mga babae. Sabi don, “Women only nag when they feel unappreciated”. Napatango ako at sinabi ko sarili kong, TAMA! SIYANG TUNAY! Totoo naman kasi ang banggit ng lalaking karakter. Hindi lang ito sa usapin ng pag-appreciate ng mga asawa o lalaki sa loob ng pamilya; may kinalaman din ito sa pagtanggap ng lipunan o pag-appreciate ng lipunan sa mga kababaihan. Paano?  Una dahil tingin ko ang pagsisimula ng pagiging madaldal ng mga babae ay may kinalaman sa pagpapakita niya at paraan niya ng kanyang kalakasan sa lipunang patriyarkal. Ang mga kababaihan, dahil sa kasalukuyan nilang katayuan sa lipunan kung saan lalaki ang mas malakas at lalaki ang mas may karapatan sa kapangyarihan (sa pamamahala man sa pamilya o lipunan), isa  sa mga nagiging paraan nila upang ipakita ang kanilang kalakasan ay ang iparinig sa lahat ang nilalaman ng kanilang isip. Ang ipahayag ang kanilang mga damdamin at ipakita ang kalakasan ng isip at ipaalam na may ibubuga rin sila sa pakikipagtunggali ng ideya at mayroon din silang mga batayang karapatan na dapat ipaglaban. Ikalawa , dahil sa simula palang ng pagkapanganak sa mga kababaihan ay pinangignibabawan na sila agad ng sistemang patriyarkal hanggang sa kanilang pag-aasawa – mula sa pagmana ng apilyido ng ama hanggang sa pagkakaroon ng asawa kung saan sasabihin sa mga kababaihang magpasakop sa kanilang mga asawa kaya ang dadalhin na nilang pangalan ay ang sa asawa. Pangatlo at huli, dahil ang babae’t lalaki ay parehong nilikha na Tao. Magkaiba lang ng tinataglay na sex organ, pero pareho silang nakararanas ng gutom, libog at pagod… walang ibang pinag-iba bukod sa pisikal nilang katangian ngunit wala pagdating sa dapat na maging katayuan at turing  sa lipunan.

Sa kasalukuyan, bagamat ipinapakita ng sistemang kapitalismo na unti-unti nang nagiging pantay ang babae’t lalaki – dahil pareho na daw na nakakakuha ng oportunidad sa trabaho, posisyon sa gobyerno/kompanya at karangalan sa akademya- marami parin ang kaso ng pagmamaliit at pananamantala sa kababaihan. Mga kababaihang ginagawang produkto, sex symbol, at pinagnanasahan sa mga pahina ng mga babasahing panlalaki. Sa unang tingin, maaring sasabihin na paraan na rin ito ng pagpapakita ng mga kababaihan ng kanilang kalayaan, ngunit kalayaan sa ano? Kalayaan sa paghuhubad at pagpapakita ng kanilang mga “hot na hot” na katawan? At ito na nga ang nakakatakot sa kasalukuyang sistema: nagiging baligtad na ang pagtingin sa mga bagay. Ang pananamantala, ipinalalabas nang isang pagpapakita at paraan ng pagiging malaya.Hayun, puno narin ng laya ang mga kapitalista na pagkakitaan ang mga kababaihan dahil gusto kamo nilang maging liberated. Siyempre hindi ito kasalanan ng mga kababaihang gustong maging liberated. Nadala nalang din sila dahil sa kagustuhan nilang ma-appreciate sila ng lipunan. Para sa kanila, para narin ‘yong pag-na-nag. Pero siyemre, naloko nga lang sila ng mga manyak na negosyanteng nakapangako ng kanilang paglaya at appreciation sa lipunan.Napagod nalang siguro sila sa pagdaldal?

Sabi sa kantang narinig ko ” ano ba ito, ano ba ito ang gulo-gulo… baliktad na ang mundo”. Nakakahilo naman nga kasi ang sistemang ito. Kaya nga ba nahihilig narin ako sa pag-na-nag sa gobyernong mayroon ang pilipinas. Nagger ako. At ginagawa ko ang pag-na-nag sa kalsada. Gusto ko kasing ma-appreciate ng lipunan sa paraang hindi ko kelangang ilabas ang mga maseselang bahagi ng aking katawan. Mag-na-nag ako para ipakitang marami akong ibubuga, na hindi lang ako babaeng pang-kama na pagpapantasyahan ng mga malilikot na utak. Mag-na-nag ako at makikipagtunggali ng ideya. Mag-na-nag ako kasama ng iba pang kababaihang nagger sa kalsada at ipapahayag ang mga saloobin namin bilang mga kababaihan. Madaldal na kung madaldal… dapat ma-appreciate kami ng lipunan.

October 27, 2010

Laughable Love – hahaha at ang pakiramdam ng nasa Ferris Wheel

Filed under: Uncategorized — EmPnuñez @ 7:06 am
Tags: , ,

          Napanood ko sa T.V yung trailer ng Till my Heart Aches End. Sa pamagat palang parang hindi ko na kailangan panuorin yung buong pelikula para malaman kung tungkol saan yung pelikula. Siyempre, sa HEART ACHE. Ang totoo, hindi ko alam kung matatawa o makakarelate ako dun sa pelikula. Una, dahil tingin ko kapag pinoproblema ang pag-ibig korny yun. Pangalawa, dahil totoo naman kapag natamaan ka ng pag-ibig at dumating sa punto na matatapos ito, malaking problema ito sa isang tao. Pero, kapag tinitingnan ko kasi ang pag-ibig, nakakatawa ito. Hindi dahil hindi ako seryosong tao pagdating sa usapang puso,  kundi dahil para itong amusement park. Magdudulot ito ng kung anu-anong pakiramdam kapag sumakay ka, pero parang kapag natapos na yung pagsakay mo, iisipin mo kung anu nga ba ang nakuha mo sa pagsakay? Diba ang sagot ay yung kakaibang pakiramdam na hindi mo mawari? – masaya ka pero nahilo’t nasuka ka at sa isang punto dahil naiwan ka ng kasakay mo, malulungkot ka. Laughable love talaga. Nang aaning ang hinayupak na pakiramdam. Lahat nakararamdam nito, estudyante, propesyunal, magsasaka, manggagawa o rebolusyunaryo man.

Si Kim at Gerald

Bida sa Till my Heart Aches end

       Netong huli lang, ganito halos yung nararamdaman ko. (Uyy.. nagdadrama – taena, wala munang pakialamanan. alam kong malyu-layo ito sa pakikibaka ko pero tingin ko naman may relasyon parin). Natatawa ako na nalulungkot at kinakabahan dahil sa mga bagay na may kinalaman sa shit na pag-ibig. Nung unang naramdaman ko ‘to(disi-sais ata ako nun), para akong nasa langit at nung bumagsak ako at nabitawan nung nagdala sakin dun, nahulog ako sa impyerno. Kaya nga shit talaga, ansakit kasi sa ASS. Ni hindi ako tinanong kung anong masakit sakin. WA-UG ang tinamaan ng magaling eh. Kaya tuloy ngayon, halos ayaw kong lumuwag kahit kaunti sa pagkaka-kapit dun sa taong sinamahan kong makarating sa tuktok ng ferris wheel(ang relasyong meron ako ngayon). Ayaw kong tumingin sa baba. Ayaw ko ding bumalik sa baba. Masarap kasi sa tuktok; makikita mo ang lahat, mahangin, mataas, at pareho kaming magka-hawak ng kamay para pag-ingatan ang isa’t isa para hindi mahulog. Baka kasi kapag nalaglag ulit ako, mabagok na yung ulo ko at ikamatay ko. Nung isang araw, sabi ko bumitaw kaya ako? Atleast kasalanan ko kapag nahulog ako at baka hindi masyadong masakit kapag ako ang bumitaw. Bakit ako bibitaw? Kasi nakapikit na ako. Nasobrahan ata sa taas at ngayon, nalulula ako. Hindi ko din masyadong maramdaman yung taong humahawak sakin. Siguro dahil pati siya ay nalulula at naghahanap ng ibang mapagkakapitan. Sabagay maraming bakal na nakapalibot sa’min. Kapag feeling ko mahuhulog ako, nangungulit ako ng tanong. Tinatanong ko kung ilalaglag mo na ba ako? Alam kong hindi madaling sabihin ang sagot sa tanong. Pero kung sasabihin mo agad kung ano yung totoong nararamdaman mo, madali lang yun. hindi naman kasi nagsisinungaling ang nararamdaman. Subjective pero, totoo. (sa sarili mo) Kasi kapag sinabi niyang OO baka ako nalang ang mag volunteer na bumitaw, gaya nga ng sabi ko, para hindi masyadong masakit. Yung una kasing humawak sakin sa langit hindi ako sinabihang bibitawan na niya ako eh. Hindi ako handa kaya sunog yung buong ako. Buti nalang may umaagos na tubig na kumupkop sakin at napigil ang pagliyab ko – salamat sa kanila. At ayun nga, sa kasalukuyan, kaya ko pang humawak ng mahigpit. Nalulula ako, pero binawi ko yung sinabi ko nung isang araw. Naramdaman ko kasing kahit pala sabihin kong ako nalang ang bibitaw, hindi parin ako handa. Una dahil naeenjoy ko parin ang nakakaaning na pakiramdam ng pag-ibig, pangalawa dahil ayaw kong humiwalay sa taong nagbibigay sakin ng pakiramdam na yun at huli dahil naniniwala akong hahawakan at yayakpin niya ulit ako ng mahigpit para mawala yung takot ko. Hindi ko alam kung kailan pero dadating din siguro yun. basta ang sakin, hindi ako bibitiw. Luluwagan ko lang onte para hindi kami masikipan at masaktan. Baka sa kaunting espasyo makapag isip kami kung anung gagawin namin sa susunod para di na kami malula. O kung sakaling bumababa na yung pwesto namin, makakapagsalita parin kami at masasabi namin sa isa’t isa kung bibitaw at lalabas na ba kami sa karuwahe ng ferris wheel o tutuloy kami sa pagbalik sa tuktok. Basta, sa ngayon naghahalo-halo ang nararamdaman ko, pero dahil masaya parin ako kahit papaano sa mga bagay na kaya niyang ibigay, mananatili ako.

Tulad ng Pag-ibig ang Ferris Wheel - masarap sa pakiramdam, masaya, nakakalula at nakakahilo

        Martir? Hindi. Sinusunod ko lang yung gusto ko at sa tingin kong dapat kong gawin para hindi masayang yung pagsakay ko sa ride na’to. Dalawa parin naman kami eh. At dahil may kapasidad pa akong mag-isip ng mga pwede kong gawin wag lang mahulog, gagawin ko. Instinct ko naman yun bilang tao – ang survival.

        Nakakatawa yung mga sinabi ko sa una diba? Kaya nga laughable eh. Pero kung anu man yung nakakatawang pakiramdam na ito, gusto ko parin ‘to. Kasi kahit sa pagkilos ko, yun yung nararamdaman ko para sa mga pinaglilingkuran ko. Dumadating din kasi minsan na gusto kong bumitaw dahil sa hindi ko maramdaman yung pagkapit sakin nung mga pinaglilingkuran ko. Pero hanggat nakikita ko ang sarili kong masaya sa piling nila kahit di masyadong halata, mananatili ako. Martir na kung martir. Marami naman akong kilala na ganun din ang naging bansag sa kanila, pero masaya naman sila hanggang sa dulo ng kanilang hininga. Kaya, Enjoy lang!

Just Ran the circus and the amusement park

October 3, 2010

Seeing the unusual

We often encounter some things that were unusual. Shits and all that sometimes make us think “what the hell is happening on earth?” We thought that  those shits and all were anti-social acts and stupid stuffs that human have just thought to show off that they’re goddamn cool and different. And sometimes we just do it to express ourselves.

I have just seen a couple of penises last friday, clinging and jumping while their owners run naked for the yearly celebration of the anniversary of the Polytechnic University of the Philippines. This is the Pylon Run (the PUP’s version of Oblation run in UP)which was headed by the Alpha Phi Omega brotherhood(Fraternity and sorority). These people run totally naked around the university’s open ground while holding some placards and posters stating their calls like, ” FIGHT FOR HIGHER EDUCATION BUDGET”, “RUN TO SAVE THE PASIG RIVER” and all. Because this happens not so often, its unusual. That day I have also seen so many students came out of their class rooms screaming their throats out like hell – another not so usual thing inside the university these days. I sigh.

There’s this thing that happened so usual in the university that is more likely to be the highest form of protest – students that held programs during the hotness of issues concerning their rights and welfare. Ironically, few students shout their lungs out in regards to this issues. Though, the activity of APO is quite artistic to show their protest(something new and EYE CATCHING), that doesn’t seem a protest to those students who watched them. I think they just see it more likely as a strip show and all. They enjoyed watching their dangling penises, but they don’t care with the naked runner’s calls. It didn’t even seem to be a protest actually. The essence of their deed was lost. They just do what is unusual. The students see the unusual but they haven’t thought of what is usual – the calls written in the placards.

It is so usual in the country nowadays that the Philippine government cuts the budget allotted in education. Yearly, PUP is experiencing millions of budget cut, and the sonuvabitch administration of this university practices miss-allocation with our funds. Those stupid morons actually put the money for the students for their own welfare. The office of this guy named DR. Dante Guevarra is so good and so nice while the classroom of ours were steaming hot like hell. Our facilities were like rotten cheese and as antique as the film how green is my valley. Sad, it does but the hell the students care nowadays? Its just usual. Get used to it. Why the hell care to mobilize and protest to fight for our rights? Right? What matters now, maybe is the dangling penises and the naked body enjoying the phony happiness of the students around. So maybe I just have to be used on seeing the unusual inside the university, later on it will be as usual like hell embracing our body while we held class and our sweat runs to our asses. ENJOY!

The most noble man inside the University : Dr. Dante Guevarra

ENJOY

September 10, 2010

Another Day in “Paradise”

Filed under: Culture,Random,Women — EmPnuñez @ 1:08 pm

HUMANS ARE CAPABLE OF MAKING THEIR OWN PARADISE.

Minsan, sa dami ng problemang dumarating sa buhay ng tao pinipili nating lumayo at tumakas. Gagawa ng sariling mundo para magtago. Dahil sa kabi-kabilang balita na puro negatibo ang laman, lahat tayo’y nape-pressure. Ang hirap. Ambigat.

Kailan nga ba huling nagkaroon balitang maganda sa pandinig? Kailan ba yung huling balita ng pagbaba ng presyo ng langis, mantika, bigas, asukal, gatas, gulay, at kung ano-ano pang pangunahing pangangailangan ng mga tao para mabuhay?

Ilang beses narin bang nagkaroon ng balitang tumaas ang presyo ng bigas, langis, gatas, karne, gulay, asukal, mantika, Tuition Fee, pamasahe, harina, pandesal, pritos ring, piknik, boy bawang at choconut? Kung i-aayon sa bilang ko, ayon din sa napanuod ko sa balita, doble ang dami ng mga balitang ito kesa sa pagbaba ng presyo. Tsk… anghirap. Ambigat!

Holiday ngayon. Araw ng mga kapatid nating muslim para sa pagdiriwang nila ng Hariraya. Paglabas ko ng bahay namin, abala ang mga kapit bahay naming muslim para sa hariraya. Maraming pagkain, masagana ang lahat. Parang pasko. Parang Paradise na ayon sa sinasabi ng bibliya. Masagana at masaya ang mga tao.

Kanina, nagpunta ako sa isang Mall. Kapag nakita mo ang mga tao parang nasa Paradise din. Kung saan-saang pamilihan pumapasok. Pasok dito, pasok dun. Labas ng may bit-bit na plastik mula sa tindahan -kahit maliit lang – lalabas ng nakangiti. May mga nag-aabot ng kung ano-anung papel na nag-ooffer ng kung anu-ano ring produkto o condominium na nagkakahalaga ng milyon. Aalukin ka din ng credit card o raffle naman kung meron ka ng isa. Kapag nasa loob ka ng mall ang gaganda ng mga nakikita mo. Magagandang damit, magagandang cellhpone, masasarap na pagkain at malalakas na tugtugan. Paradise ulit. Masaya. Masagana. Parang walang problema ang pilipinas. Parang walang balita ng pag-taas ng mga bilihin. Ang galing ng sistemang ito, tinuruan ang mga tao na gumawa ng sarili nilang paraiso.

Habang pauwi ako, may lumapit sakin na dalawang babae. Hindi sila mukhang may kaya. Simple lang ang suot – t-shirt na medyo maluwag at shorts(para sa bata, mga nasa 16 and edad) at pantalon (para sa nanay o lola na nasa 50 ang edad). Nanghihingi sila ng pamasahe. Ang sagot ko : “Naku, wala rin akong pera. Pasensya na.” nagsalita agad ang batang babae, “Ate hindi po kami masamang tao. Kelangan lang po namin ng pamasahe pauwi.” Nakakaawa talga ang mukha niya. Peero napatanong ako, paanong nakapunta sila sa lugar na iyon kung hindi nakahanda ang pamasahe nila pauwi? Kumunot yung noo ko. Tinanong ko ulit bakit at ano bang nangyari sa kanila. Ang sabi ng bata dapat daw ay makikipag-kita sila sa tatay niya para humingi ng pera. Yun daw ang inaasahan nilang mag-ina para maka-uwi at may maiuwi, pero hindi nanaman daw sumipot ang tatay niya. Tinanong ko ulit, nasaan ba ang tatay niya. Ang sagot ng nanay, habang tinuturo ang isang magandang building, “nasa loob niyang hinayupak na building na yan” habang naluluha. Sabay singit ng bata at pag-pilit sakin na mag bigay ng kahit magkano. Tinanong ko muna ulit kung taga saan sila. Ang sabi ng bata taga Valenzuela daw sila. Hindi nila alam saan kukuha ng pera dahil hindi nga nanaman nagpakita yung tatay niya. Nag-abot ako ng bente pesos. At sinabing “pasensya na. wala din akong pera.” Sige ang pasalamat ng bata habang naka-hawak sa kamay ko. Nakakagulat. Nakakadala ng damdamin (kahit hindi ako mahilig sa dramatikong eksena).

Kasabay ng pag-andar ng bus, naiisip ko parin yung mag-ina. Umaandar narin ang imahinasyon ko. Nagtatanong ako kung anu ba yung trabaho ng tatay ng bata. Anung ginagawa dun sa magandang building at bakit ganun nalang yung hinanakit na nakita ko dun sa mata nung ale. Hindi kaya mayaman yung nakabuntis dun sa ale? Tapos iniwan silang mag-ina. Tapos yung lalaki, nagpapakasarap doon sa de aircon niyang opisina. Yung parang sa telenobela.

Naisip ko, paano kaya gumagawa ng sariling paraiso yung mag-ina? Kasi tingin ko, hindi sila yung tipo ng taong pupunta sa loob ng mall para lumikha ng sariling paraiso. Hindi nila kayang mag-labas masok sa mga tindahan sa loob ng mall ng may bitbit na plastic ng pinamili nila. Kahit pa nga siguro mag-window shopping sa loob mahihiya silang gawin. Kasi kahit nga pamasahe pauwi wala sila. Kapag nag-ikot sila sa loob, magugutom sila at lalamigin lang dahil sa nipis ng suot at naka-tsinelas lang.

Gaano kaya nila na-aapreciate ang mga balita ng pagbaba ng presyo ng bigas, langis, asukal, gulay, karne, gatas, noodles, delata, tuyo, sap-sap at kung anu-ano pang pangunahing pangangailangan nila para mabuhay? Kailan kaya nila huling naipagdiwang ang mala-hariraya o mala-paskong hapagkainan? Yung nakaramdam sila ng kasayahan at kasaganaan nang hindi dinidibdib ang pang-iindiyan ng haligi ng tahanan para mag-abot ng sustento.

Paano kaya nila isinasapraktika ang HUMANS ARE CAPABLE OF MAKING THEIR OWN PARADISE? Kumakanta siguro sila ng “Oh… think twice. Its just another day for you and me in paradise” ni Phil Collins.

September 5, 2010

rubbing elbows

Filed under: travel,Women — EmPnuñez @ 5:27 am
Tags: , ,

Tatlong taon na akong sumasakay sa Philippine National Railways mula FTI hanggang Sta. Mesa papasok sa eskwela. Araw-araw.

Sa dulong parte ako ng tren sumasakay. Bukod sa malapit ito sa babaan, minsan may mga lalaking nagpapa-upo ng babae kapag puno na ang tren. Lalo kapag mukhang chikz! (Pero hindi yun isa sa dahilan bakit gusto ko dun, may mga kaibigan din kasi akong dun sumasakay) Madalas niyan, kapag pina-upo ka nila, hihingian ka ng numero ng telepono mo. Magpapakilala at magpapa-cute. nasa sa iyo na kung i-entertain mo sila o hindi. Mas malakas din ang aircon dito.

Sa tatlong taong araw-araw kong pagsakay dito, marami akong nakilala at nakakasalubong na tao. Iba-iba ang edad at propesyon. Pero karamihan mga manggagawa. Marami rin ang estudyante – galing ng PUP, UST at EARIST ang kalimitan kong nakikita. Kanya-kanya ng usapan at biruan. Minsan, may mga mililikot din ang kamay. Hindi lang sa bulsa o sa bag mo dumadapo… minsan pati sa mga maseselang bahagi ng katawan.

Kung susumahin, hindi lang ako nakaranas ng ganitong pangyayari ng isang beses. Mas marami pa sa lima… o sampu. (Magkasama ang panghihipo at pandurukot) mabuti nalamang at walng madudukot sakin, ang nakakainis, maraming kaso ng panghihipo. Nang huling napagsamantalahan ang pagiging babae ko, sinigawan ko yung mama na kulang nalang ay sabihan ko siya ng “Putang ina!”.

Siya ang lalaki sa PNR na sabi ko sa isip ko, kapag nalaman ko ang pangalan, ipa-pablotter ko siya. Marunong ako ng kaunting judo kaya kung nataon na may panahon ako baka ibinalibag ko siya sa loob ng tren.

Malayo palang nakita ko na siya. Pero wala naman akong ibang naramdamang kakaiba dahil tipikal naman na may makikita kang ibang taong naghihitay ng tren. Pagdating ko sa flat form na hintayan papuntang Manila (ang isa ay pa-Albang), napa-upo ako sa upuan na medyo malapit sa kanya. Two seats apart mula sa kanya. Napansin kong naka-tingin siya sakin ng malagkit pero dinedma ko lang. Abala kasi ako sa pag-babasa ng nobelang Ermita ni Sionil at hindi ako mahilig makipag-titigan ng ganun, masamang tingin lang ang maibibigay ko sa kanya. hindi maganda ang tirik ng araw. Gustuhin ko mang lumipat dahil nagsisimula na akong mairita sa mga tingin ng lalaki, hindi ako maka-lipat dahil ang inuupuan ko lang ang tanging may silong dahil sa posteng tumatakip sa inuupuan ko. Hindi ko natiis at napatingin din ako sa kanya, nagulat ako dahil kumindat siya. Kinilabutan ako. Una, dahil ayoko ng ganung akto mula sa lalaki. Pangalawa, medyo matanda siya kumpara sa edad ko (siguro na 35 ang edad niya) at Pangatlo, nakakabastos. Inirapan ko siya. At nagpatuloy sa pagbabasa. Madedelay daw ang tren ng limang minuto. Napatinign ulit ako sa kanya. Gusto ko siyang mukaan. Kinindatan niya ulit ako, pero di ako nagpatinag, sinuklian ko siya ng tingin na may inis habang nasa isip ko ” tigil-tiglan mo yang pagtingin mo sakin, naiirita ako.  baka ihagis kita sa riles”. Siguro may tama, binaling din niya sa iba ang tingin.

Dumating ang tren. Sa wakas, sa unahang karuwahe siya sumakay. Hindi ko siya makikita sa loob.

Bago dumating sa Nichols station ang tren, nakita ko nanaman siya. Ang pwesto niya ay yung kung saan makikita ko siya at makikita niya ako. Nasa kabilang karuwahe parin siya, pero maari parin kasing makalipat siya sa karuwaheng sinasakyan ko. Nakatayo lang ako at nag-babasa parin. Pero malakas ang pakiramdam kong naka-tingin parin siya sakin. Paglingon ko sa kanya, bagyang ngumiti siya. Nakita kong may silver ang ngipin niya. Sabagay, mukha naman siyang office boy at mukha ring may kaya o maganda ang trabaho.  Inirapan ko ulit siya. Pero unti-unting tumatatak sa isip ko ang mukha niya.

Paglampas ng Buendia station, nagkaroon ng bakante sa bandang kanan ko. nakita ko siyang pumasok sa karuwaheng sinasakyan ko. Nagsimula nanaman akong kilabutan. Sa isip ko’y wag sana siyang umupo sa tabi ko. Pero dun nga siya umupo. Sinubukan kong lumayo sakanya. Pero sadyang maparaan ang loko! umurong din siya. Nagtayuan ang balahibo ko nang dumampi sa braso ko ang balat niya. Hindi simpleng aksidenteng pagdikit iyon dahil umaandar. Sadya iyon. Nagpatuloy ako sa pagbabasa at inilayo ang brasong nadidikitan niya. Pero hindi magandang ideya dahil nagkaroon siya ng pagkakataong mapalapit sa gilid ng dibdib ko. Sinubukan niyang ilapit ang siko niya doon pero naiharang ko din agad ang braso ko. Pagdikit nun, ikinuskos niya ng dahan dahan ang ang kanyang balat sa’kin. Para akong nasusuka. Iginalaw ko ang siko ko nang may pwersa patama sa kanya. Masaktan man lang siya. Pero di rin natinag ang hinayupak.

Paglampas sa Pandacan, ipinasok ko sa bag ang binabasa kong nobela. Napatinign siya sakin, bagyang nginitian ulit ako at umirap naman ako sa kanya. Nagulat ako… hindi na braso ang kumukuskos sa balat ko. Kamay na niya! Nakita ko ring may wedding ring siya. Gold. (Hinayupak, may asawa na, nagagawa paring mang-manyak ng babae! Makati!) Napasigaw ako at sinabing ” Kanina ka pa ha!” sumagot siya, “inaano ka?”. Lalo akong nairita… gusto kong magbitiw ng “Putang ina” pero may iba ring babae sa tren at tingin ko hindi yun maganda. Nasabi ko nalang ” wag mo akong gawin tanga, tarantado ka! kanina mo pa ako minamanyak!” nagtinginan ang mga tao. na-star struck ata.

Malapit na sa Sta. Mesa, tumayo ako at iniwas ang brasong malapit sa kanya. Winiiwas ko rin ang bag sa pagbabakasakaling tumama sa kanya. Pero hindi tumama, sayang! Pag-labas ko sa tren, sabi sakin ng mamang nasa kaliwa ko, “Kanina ka pa nga niya tinitingnan. Para kang hinuhubaran”. Naiinis ako paglabas ko ng tren. Nasa isip ko kasi na dapat una palang minura ko na siya. Ako naman ang agrabyado sa umpisa palang.Kaya hinid yun nakakahiya.

Dati, kapag may nababalitaan akong nagrereklamo na biktima ng pangmomolestiya, lalo yung mga natatagalan makapag-sabi o makapag-sumbong, sinasabi ko mga tanga sila. Kasi dapat malakas ang loob nilang makapag-voice out agad. Doon ko naisip, minsan hindi pala yun madali. Hindi ko maipaliwanag pero alam ko namang dapat sa umpisa palang ay pinagsabihan o lumayo na ako sa mama, pero hindi ko ginawa. May kung ano kasing mga pakiramdam yung naramdaman ko. hindi ako makapag-isip ng tama.

May nakapag sabi sakin, na kung ayaw ko daw mahipuan doon ako sa pwesto ng babae (sa mrt iyon nang minsang sumiksik ako at napasabi ako ng “Ang mga kamay niyo kuya ha!”). Siraulo yung mamang nagsabi sakin nun. Kahit kasi na may pwesto ang mga babae sa pinaka unang bahagi ng tren, wala parin silang karapatan na hipuan ang kahit anong parte ng katawan ng isang babae kapag napasama sa kanila. Wala ba kaming lugar doon? Hindi naman lahat ng babae ay maaaring maukupa ng bahaging iyon.

Sa PNR, may ganun din. Pero ayaw kong doon pumwesto. Hindi convinient para sakin. Hindi ko makikita ang mga kakilala ko kung sasakaling makakasabay ko silang magbabyahe. Kung may magsasabi sakin ng tulad ng sinabi ng mama sa MRT, bibigyan ko siya ng malaking PAK sa mukha!

First time ko maka-experience ng nakaka-kilabot na rubbing elbows. Kaya sa susunod na sasakay ako ng PNR (dahil siguradong maraming beses pa iyon) mamatyagan ko ang mga mukha ng sasakay. Kapag nakita ko ulit ang mamang iyon, i-ra-rub ko sa mukha niya ang elbow ko!

July 21, 2010

Ang Five Minutes Memory at ang Pagsusulat

Filed under: Uncategorized — EmPnuñez @ 2:18 pm

Naranasan nyo na ba na sa isang panahon maraming ideya ang pumapasok sa inyong ulo at gugustuhin nyong maupo na agad sa harap ng computer at i-blog ang lahat ng naisip? Yung minsan, mapapaupo ka sa isantabi at may mga kwentong biglang na-foformulate sa utak mo at may wakas pang kasama yung kwento – sa tingin mo, napakaganda ng kwento kaya gabi-gabi mo itong maiisip… pero hindi mo alam paano sisimulan at paano isusulat?

Nung isang araw, naglalaba ako sa rooftop namin. May mga ideya na sa tingin ko ay maganda talgang i-blog. Pero dahil wala pa kaming internet, hindi ko magawang maupo sa harap ng computer, mag-log in sa multiply o blogdrive at i-type ang mga bagay na kanina’y naglalaro sa aking utak. Ganun pa man, isinusulat ko ito sa aking note book. Nang araw na yon, marami ngang topic ang naisip kong magandang i-blog at gawan ng kwento, nung isususlat ko na sa notebook ko yung mga topic narealize ko, medyo marami na palang naka-tenggang topic ang nakasulat dun. Yung iba mga current events na napanis na, at ang ilan, na-iblog na ng iba at ang iba pa’y nananatiling hindi ko alam papaano isususlat. Nakakainis. Parang sakit ko na nga yun eh… pero naalala ko yung sinabi sa amin ni Jun Cruz Reyes(isang artist) ng minsang nakakwentuhan namin siya ng sandali sa Unibaersidad na aking pinapasukan. Sakit daw ng lahat ng writer ang makaisip ng ideya at hindi alam papaano sisimulan. Una, siguradong-sigurado ka na maganda ang topic, susunod ang pag-struggle mo paano mo ito sisimulan. Sa lahat daw ng pinaka mahirap gawin sa pagsusulat ay ang pagsisimula sa iyong isusulat. Nung sinabi niya yun, natuwa ako. Natuwa ako dahil pareho kami ng parte ng pagsulat na nahihirapan.(Syemre nung araw na yun natuwa talaga ako, si J.C Reyes yun eh) At ayun nga, akala ko kasi ako lang ang may five minutes memory. Yung tipo ng nagsi-circulate ng bonggang-bongga yung utak mo kaya kung ano-ano yung naiisip mo, pero sa ilang sandali o panahon lang ang lumipas, wala ka nang alam at wala nang nasasalsal yung utak mo para labasan ng ideyang mag-papaikot sa istoryang gusto mong gawin.
Ngayong araw na to, hindi ko talaga intensyon na mag-blog, ang gusto ko lang ay i-send ang e-mail ko sa aking EIC. Pero nung nakita ko yung article ko, naisip ko kaya ko parin palang magsulat kahit nadedemoralize ako sa ideyang may five munites memory ako. Iniisip ko hanggang ngayon, trying hard writer parin ako. Pero ganun paman, nakakapag-sulat parin ako. At siyempre alam kong may magbabasa ng ginawa kong article kahit papaano. Hindi paman ako ganun kagaling sa pagsusulat at may mga insecurities at kung ano-anong ka-bahalaan ang naiisip ko, may “K” parin pala akong makapagsulat.

Ayun nga ang kwento ng aking five minutes memory at ang pasusulat. Hanggang ngayon, nag iisip parin ako papaano sisimulan ang mga nag aantay na topic na nakalista sa aking notebook. Siguro pag masmahaba na ang oras ko para maupo sa computer. Aabangan ko yung araw na malapit nang sumabog ang utak ko dahil sa mga ideyang gustong gusto nang kumawala at ang kamay ko ay handang-handa na para sa pag-ta-type o pagsusulat.

July 18, 2010

Ang Bata at ang Darating na SONA

Filed under: Uncategorized — EmPnuñez @ 11:49 am

Hindi nalang pera at cellphone ang ini-isnats sa panahon ngayon. Isang araw habang nag-aabang ako ng bus na masasakyan sa Boni, may batang lumapit sa akin at hinihingi ang tinapay na kinakain ko (tatlong piraso ang nasa plastik at limangpiso ang isa). Binigyan ko siya ng isa at bumalik sa pagtingin sa mga placards na nasa harapan ng bus. Maya-maya’y nangulit ulit ang bata at hinihingi ang tinapay na kinakain ko. Sabi ko, “Binigyan na kita ah!” pero hindi parin ako tinigilan ng bata. Nagugutom narin ako nang mga oras na ‘yon kayat medyo hindi magand ang mood ko at di ko na pinansin ang bata. Patuloy siyang nangulit. Sa inis ko, tinaasan ko siya ng kilay sabay irap. Walang ano-ano, hinablot ng bata yung plastik ng tinapay na hawak ko at tumakbo palayo. At tuluyan na ngang namaalam ang tinapay na sana’y magpapatigil sa nagwawala kong alaga sa tiyan. Wala akong nagawa. Pinagtinginan ako ng lahat ng tao sa hintayan ng bus na parang nagsasabi yung mga mata nila na “ayy.. wala ka nang pagkain.Kawawa ka naman.” ako naman na parang looser, bumalik nalang sa panaderyang pinagbilhan ko ng tinapay at bumili ulit ng makakakain. Narinig ko din ang isang tindera ng kendi “nanguha nanaman ng pagkain tong mga ‘to.” sabi ni manang. Naisip ko, nawalan ako ng kinse pesos. Sayang.
Sa sobrang inis ko, nag “GM” pa ako sa mga kaibigan ko na na’-snatchan ako ng pagkain. Habang nasa byahe, iniisip ko parin yung nangyari at nainis sa bata. Dahil na rin sa pagpalo ng pagiging burgis ko, irita parin ako sa batang kumuha ng tinapay ko.

Habang nasa byahe, nadaanan nung bus na sinasakyan ko ang isang billboard ni Noynoy Aquino at Jejomar Binay, nagpapasalamat sa tiwalang ibinigay ng mga bomoto sa kanila. Hawak ko din nung mga oras na yun yung dyaryo ng The Catalyst, latest issue nila. Nakalagay sa front page yung tungkol sa insufficient funds na inilalaan ng gobyerno sa edukasyon. Bumalik sa ala-ala ko yung batang tumatakbo palayo hawak hawak yung plastik ng tinapay. Hindi na ako naiinis. Naawa na ako sa mga tulad niya at sa sarili ko. Nabaling na ang pagka-inis ko sa sistemang mayroon ang pilipinas – sa pamamalakad ng burukrasya, sa pananamantala ng mga nasa itaas at sa pakikialam ng mga dayuhan – sila dapat ang kainisan ko, hindi yung bata.

Taon-taon, nakararanas ng BUDGET CUT ang mga State universities and Colleges na siyang nagtutulak sa mga ito upang magtaas ng matrikula (TUITION FEE INCREASE) na siya naman pinapasan ng mga magulang ng mga mag-aaral. Sistematikong isinasapribado ang mga paaralang pinopondohan ng gobyerno sa pamamagitan ng mga programang nagdudulot ng komersyalisasyon sa mga SUC’s at ang pagrarasyunalisa sa mga institusyong ito. Sa pagliit ng budget ng mga pamantasan, nalalagay sa bingit ng pagbaba ng kaledad ng edukasyon ang maaring makuha ng bawat iskolar ng bayan. Sa pagtaas ng matrikula, magdudulot naman ito ng pagtaas ng bialng ng mga kabataang hindi na makapasok sa paaralan (Out of School youth) dahil hindi na makayanang tustusan ang pag-aaral (Hindi naman maaring umasa ang lahat sa scholarship, limitado din ang kayang masuportahan nito). Para sa ilang mga magulang na manggagawang nagsusumikap na mapatapos ang kanilang mga anak, dugo’t pawis (isama narin ang oras na dapat para sa mga anak na mapupunta dahil sa O.T kapalit ng katiting na halangang maipandadagdag sa matrikula ng anak) ang kanilang ibibigay. At sa mga magulang na magsasaka at manggagawang bukid, maghapon silang yuyukod sa ilalim ng tirik na araw para makapgtanim at may maani sa araw ng sakahan, kapalit ng maliit na halagang katumbas ng kanilang naani. At maari din na maisanla pa nila ang kaniang kalabaw o sa pinakamalala’y ang kanilng lupang sinasaka para lamang may mapadala sa anak na nangangailangan ng pandagdag sa pambayad sa matrikula. Gagawin nila yon para sa EDUKASYONG KARAPATAN NG sa kasalukuya’y nagiging prebelehiyo – edukasyong inaasahan ng lahat na mag-aahon sa kanila sa kahirapan – dahil ito’y prebelehiyo, wala kang karapatang umangat sa buhay, mangyari’y ito’y perbelehiyo nalamang.
Sa tulad naman ng batang lumpen, ang kakulangan sa matino at tunay na trabaho ng kanilang mga magulang ang kadaasang sanhi kung bakit humahantong sa ganoon ang mga batang tulad niya. Mayorya sa mga maralitang taga lunsod ay walang permaneteng tirahan at nagiging “alien’ na sila sa sarili nilang bayan. Bukod sa maliit na badyet sa edukasyon, maliit din ang badyet sa serbisyong panlipunan(pabahay, medikal at iba pa) na siyang tunay na kailangan at kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayang pilipino. Patuloy ang pagtaas ng porsyento ng mga pilipinong walang trabaho (trabahong totoo, hindi yung trabahong pagiging Poloce Oyster na band-aid solution ng administrasyong Arroyo) kayat patuloy ang pagdami ng mga katulad ni batang lumpen at mga palaboy sa kalye.
Dahil lumalala ang krisis pang ekonomiya’t panlipunan, apati ang pagkain nagiging target narin sa pang-iisnats.
Para dun sa dalawang tao na nasa billboard (na may magandang ngiti at bukas palad na nakaka-kaway) dahil bagong lukok palang sila, dapat at marapat lamang na harapin nila ang hamon ng bawat sektor ng lipunan. Dapat na tugunan ang panawagan ng mga kabataan ng mag laan ng mataas na badyet sa edukasyon, ang kailangan ng mga magsasaka na tunay na repormang Agraryo, ang hiling ng mga manggagawa ng ipas aang batas na 125 wage increase at ang pagpapatigil sa kontraktwalisasyon at marami pang iba.

Sa darating na State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 26, aabangan ko ang mga programang ihahapag ni PNoy. Kasama ang malawak na hanay ng masang pilipino, lalabas ako, (kahit walang pasok, papasok ako) sabay-sabay naming susubaybayan at pakatatandaan ang lahat ng salitang kanyang bibitawan. Kapag napadaan ako ulit sa Boni at makikita ang bata, isasama ko siya at titingnan kung maganda ang mga plano ng bagong pangulo para sa aming mga kabataan. Ikaw, sasama ka ba?

Create a free website or blog at WordPress.com.